Paghahanap sa tatlong nawawalang pasahero ng bumaligtad na bangka sa Leyte, itinigil muna ng coast guard
Itinigil muna ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paghahanap sa tatlong nawawalang pasahero ng bumaligtad na bangka sa karagatang sakop ng Biliran at Capoocan sa Leyte.
Ayon sa coast guard, noong December 18, ang dalawang hindi rehistradong motorbanca na may lulang walong pasahero ay umalis ng Cabucgayan sa Biliran at patungo sana ng Capoocan.
Pero hinampas ito ng malalaking alon dahilan para bumaligtad ang bangka.
Agad nasagip ang lima sa mga pasahero, habang nawawala pa rin ang tatlong iba pa na sina Sonny Boy Torculas, Brylle Torculas, at John Carl Torculas.
Nagpasya naman ang joint team ng Coast Guard Station (CGS) Eastern Leyte at Coast Guard Station (CGS) Biliran na itigil muna pansamantala ang paghahanap sa tatlo.
Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Leyte na nagdudulot ng malalaking alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.