Babaeng tauhan ng Philippine Coast Guard naging kauna-unahang Pinay na naka-akyat sa “7 Summits”
Nagpaabot ng pagbati ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang babaeng tauhan matapos makumpleto ang pagk-akyat sa tinaguriang “7 Summits”.
Si Lt. Junior Grade Carina Dayondon ang naging kauna-unahang Pinay na nakakumpleto sa pag-akyat sa “7 Summits”.
Noong 2007, kasama su Dayondon sa tatlong Pinay na nagawang maabot ang highest peak ng Mount Everest bilang bahagi ng “Kaya ng Pinoy Expedition”.
Para makumpleto ang “7 Summits” inakyat ni Dayondon ang sumusunod na pinakamatataas na mga bundok mula sa iba’t ibang kontinente sa mundo:
Mount Denali in North America (2006)
Mt Everest in Asia (2007)
Mt Elbrus in Europe (2013)
Mt Kosciuszko in Australia (2014)
Mt Kilimanjaro in Africa (2015)
Mt Aconcagua in South America (2018)
Mt Vinson Massif in Antartica (2018)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.