TRO na nagpapahinto sa kanilang operasyon, pinababawi ng Angkas sa SC
Nanghain ng mosyon sa Korte Suprema ang ride-sharing company na Angkas para hilinging bawiin nag temporary restraining order n anagbabawal sa kanilang operasyon.
Sa mosyon ng DBDOYC, Inc. ang kumpanyang nagmamay-ari sa Angkas, makatutulong sa problema sa traffic sa Metro Manila at sa mga nahihirapang commuters kung aalisin ng SC ang TRO.
Binanggit pa ng Angkas sa kanilang mosyon na mas kawawa ang mga commuter ngayong Christmas season na maraming pasahero ang nasa lansangan at naghahanap ng masasakyan.
Maliban pa dito ang libu-libong Angkas drivers na mawawalan ng hanapbuhay.
Magugunitang noong Dec. 5, nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema na pumipigil sa naunang desisyon ng Mandaluyong RTC Branch 213.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.