DepEd pinaalalahanan ang mga eskuwelahan sa anti-bullying policy
Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa pamunuan ng lahat ng eskuwelahan, pampubliko man o pribado, na kailangan na may sarili silang anti-bullying policy.
Sinabi ng DepEd na responsibilidad ng mga paaralan na tiyaking walang insidente ng bullying ang mangyayari sa hanay ng kanilang mga estudyante.
Kasunod ito ng viral video nang pambu-bully at pananakit ng isang junior high school student ng Ateneo sa kanyang kaeskuwela.
Paalala ng kagawaran, base sa DepEd Child Protection Policy, kailangan may Child Protection Committee sa lahat ng mga paaralan.
Bukod pa dito, base sa Anti Bullying Act of 2013, ang lahat ng mga eskuwelahan ay dapat nagsumite na ng kanilang sariling child protection policy.
Ang mga pribadong paaralan na mabibigong makasunod sa batas ay maaring ipagharap ng mga kaso.
Kasabay pa nito, hinihikayat ng DepEd ang mga estudyante na nakaranas ng pambu-bully o nakasaksi ng pambu bully sa kapwa estudyante na agad ipagbigay alam sa pamunuan ng eskuwelahan ang kanilang karanasan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.