Pamahalaan wala pa ring natatanggap na ulat na may Pinoy na nadamay sa Paris attack

By Isa Avendaño-Umali November 15, 2015 - 06:24 PM

Herminio-Coloma-1211Walang Pilipino na nasawi o nasugatan sa serye ng mga pag-atake sa Paris, France, ayon sa Malakanyang.

Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., wala pang natatanggap ang Palasyo na anumang ulat hinggil sa mga Pinoy na naapektuhan ng terror attacks sa Paris.

Sa kabila nito, sinabi ni Coloma na batay sa Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ni Philippine Ambassador to the French Republic Maria Theresa Lazaro ay patuloy na minomonitor ang sitwasyon doon.

Tiniyak din ni Coloma na handang magparating ng assistance ang embahada sa mga Pilipino sa Paris.

Hininok naman ang lahat ng Filipino migrants na sundin ang payo ng local authorities sa buong France, lalo’t nananatiling mataas ang tensyon doon dahil sa mga pag-atake.

Tinatayang nasa 50,000 hanggang 60,000 na Pilipino ang naninirahan ngayon sa France, at kalahati umano sa bilang ay undocumented.

TAGS: parisattack, parisattack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.