DENR desididong isailalim sa rehab ang Manila Bay

By Jan Escosio December 21, 2018 - 09:31 AM

Radyo Inquirer File Photo | Erwin Aguilon

Tinanggap na ni Environment Secretary Roy Cimatu ang hamon na rehabilitasyon sa Manila Bay.

Kasabay nito, nangako si Cimatu na magkakaroon ng ibang tanawin sa Manila Bay sa Pasko sa susunod na taon.

Aniya agad na siyang makikipagpulong sa mga kinauukulang ahensiya para masimulan na ang rehabilitasyon sa unang buwan ng Bagong Taon.

Paliwanag ni Cimatu pagsusumikapan nila na maibaba ang coliform level sa Manila Bay sa 100 most probable number per 100 milliliters para maging ligtas na ang tubig nito sa mga nais maligo.

Nabatid sa ngayon ang coliform level sa Manila Bay ay 333 million MPN/100 ml.

Ibinahagi ng opisyal na ang mataas na coliform level ay dahil sa mga dumi na nagmumula sa mga estero sa Metro Manila, kasama na ang Pasig River.

Ipinaliwanag naman ni Enviroment Usec. Sherwin Rigor ang unang diskarte na gagawin nila ay ang paglalagay ng silt curtain sa mga estero para maharang ang mga dumi at hindi na umagos palabas ng Manila Bay.

Ngunit pag-amin ni Rigor ang balakin na ito ay panandaliang solusyon lang.

TAGS: DENR, New Year, Radyo Inquirer, DENR, New Year, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.