DND may P35B na budget para ipambili ng mga bagong kagamitan sa susunod na taon

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 07:55 AM

Aabot sa P35 Billion ang pondo ng Department of National Defense (DND) sa susunod na taon para gamitin sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, ang P25 billion sa nasabing halaga ay bahagi ng P3.757-trillion national budget, habang ang P10 billion pa ay manggagaling sa kita mula sa Bases Conversion and Development Authority.

Ani Lorenzana, target ng DND na pagpasok pa lamang ng taong 2019 ay maumpisahan na ang pagbili ng mga bagong kagamitan para sa sandatahang lakas.

Marami kasi aniya sa mga gamit ang matagal ang panahon ng pagproseso ng procurement gaya na lamang ng helicopters at barko.

TAGS: AFP modernization, DND, AFP modernization, DND

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.