Granada natagpuan sa isang locker malapit sa newsroom ng ABS-CBN

By Rhommel Balasbas December 21, 2018 - 03:17 AM

Isang fragmentation hand grenade na nakasilid sa isang plastic bottle ang natagpuan sa isang locker malapit sa newsroom ng ABS-CBN sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, isang maintenance personnel ang nakakita sa granada noong Martes habang nililinis ang mga lockers sa basement floor ng building.

Agad na nakipag-ugnayan ang security personnel ng ABS-CBN sa mga pulis para i-dispose ang live grenade.

Ligtas na narekober ng mga awtoridad ang pampasabog na napag-alamang gawa ng Belgian company na Poudreries Réunies de Belgique (PRB).

Hindi pa nahahanap ang may-ari ng pampasabog.

Sa isang pag-aaral noong 1990 sa Pace University, lumalabas na kapag sumabog ang PRB 423-grenade na kapareho nang natagpuan sa ABS-CBN, apektado ang mga taong nasa loob ng nine-meter radius o may lawak na 232 square meters.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.