Opensiba vs. NPA itutuloy ng militar

By Len Montaño December 21, 2018 - 12:21 AM

Patuloy ang opensiba ng militar laban sa New People’s Army kahit 14 na katao, kabilang ang 2 sundalo, ang hinostage ng mga rebelde.

Tinutukoy ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagdukot sa 2 sundalo at 12 miyembro ng CAFGU sa ilalim ng 3rd Special Forces Battalion at ang pagkasabat sa 24 na matataas na kalibre ng armas sa Agusan del Sur.

Ayon sa kalihim, gustong gamiting leverage ng NPA ang mga hostage dahil gusto ng mga rebelde na itigil ng militar ang kanilang operasyon sa lugar, bagay na hindi gagawin ng tropa ng gobyerno.

Sinabi ni Lorenzana na alam ng mga sundalo at CAFGU na may opensiba laban sa NPA at kung ma-hostage sila ay bahagi ito ng kanilang obligasyon.

Tiniyak naman ng opisyal ang target ng pamahalaan na tapusin ang 5 dekadang insurgency sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Siniguro rin ni lorenza na patuloy ang hakbang ng militar para mailigtas ang mga sundalo at CAFGU na hostage ng NPA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.