DILG magpapatupad ng mahigpit na kampanya kontra paputok

By Den Macaranas December 20, 2018 - 03:11 PM

Inquirer file photo

Naglabas ng kaustusan si Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año para sa mga local officials at mga pulis na ipatupad ang mahigpit na batas laban sa mga paputok.

Sinabi ng kalihim na tanging sa mga designated areas lamang sa mga barangay dapat gawin ang paggamit ng mga paputok lalo na sa pagsalubong sa taong 2019.

Maliban sa target na mapababa ang mga biktima ng paputok, layunin rin ng kautusan na maiwasan ang mga sunog sa pagsalubong sa bagong taon.

Nauna dito ay nagpalabas ng Executive Order number 28 noong nakalipas na taon si Pangulong Rodrigo Duterte na naglalayong magkaroon ng regulasyon sa paggamit ng mga paputok at pyrotechnic devices.

Noong Enero, sinabi ng Department of Health na umabot sa 463 fireworks-related injuries ang naireport nationwide mula December 21, 2017 hanggang January 5, 2018.

Ito ay higit na mababa ng 27 percent kumpara sa naitalang bilang ng mga sugatan sa pagsalubong sa bagong taon noong 2017.

Samantala, sinabi naman ni Año na mabigat na parusa ang kakaharapin ng mga pulis o mga opisyal ng pamahalaan na mahuhuling nagpapaputok ng baril sa bagong taon.

TAGS: año, DILG, duterte, fireworks, Paputok, pyrothechnic, año, DILG, duterte, fireworks, Paputok, pyrothechnic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.