Orange rainfall warning nakataas sa maraming lugar sa Mindanao
Nakararanas pa rin ng malakas na buhos ng ulan ang maraming lugar sa Mindanao dahil sa Low Pressure Area.
Sa abiso ng Pagasa, alas 8:00 ng umaga, nakataas ang orange warning sa sumusunod na lugar:
• Dinagat Islands
• Surigao del Norte
• Siargao Islands
• Surigao del Sur
• Agusan del Norte
• Camiguin
• Tawi Tawi
Habang yellow rainfall warning naman ang umiiral sa:
• Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Esperanza, Prosperidad, San Luis)
• Samal Island
• Compostela Valley
• Davao Oriental
• Misamis Oriental (Binuangan, Balingoan, Sugbongcogon, Kinoguitan, Talisayan, Medina, Claveria, GingoogCity, Magsaysay)
• Misamis Occidental
• Sulu
Nagbabala ang PAGASA ng posibleng flashfloods at landslide sa mga inuulang lugar lalo pa at simula pa lamang umaga ng Huwebes ay inuulan na ang malaking bahagi ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.