Dumating na sa bansa ang 40 mga bagong traction motor armatures ng Metro Rail Transit – 3.
Ang mga armature ang nagsisilbing “rotating motor” na ginagamit upang magtuloy-tuloy ang daloy ng kuryente sa tren.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) ito na ang ikalawang batch ng deliver para sa naturang bahagi ng tren.
Nauna nang dumating noong Marso ang 24 piraso ng armatures na ngayon ay naka-install na sa mga tren ng MRT-3.
Inaasahang makukumpleto ang delivery ng armatures sa Marso ng susunod na taon.
Bago ito tuluyang ma-install, kinakailangan munang isalang sa mga pagsusuri para masigurong wala itong depekto o sira.
Matapos ang testing, agad naman itong i-install sa traction motors ng mga tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.