Palasyo: Rice Tariffication Bill, lalagdaan na ni Duterte anumang oras

By Rhommel Balasbas December 20, 2018 - 04:18 AM

Kuha ni Jan Escosio

Inaasahang lalagdaan na anumang oras ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rice tariffication bill ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Matatandaang noong Oktubre ay sinertipikahang ‘urgent’ ng presidente ang panukala.

Layon nitong padaliin ang proseso ng importasyon ng bigas kung saan papayagan ang private traders na diretsong umangkat ng bigas sa mga bansang gusto nilang pagkuhaan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nasa tanggapan na ng pangulo ang panukala at lagda na lamang nito ang kulang.

Naniniwala si Panelo na dahil sa liberalisasyon ng rice market, magkakaroon ng kompetisyon sa mga traders na magreresulta sa pagbaba ng presyo ng bigas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.