French embassy nagpasalamat sa simpatya ng Pilipinas
Nagpasalamat ang France sa pakikiramay at pakikisimpatya ng Pilipinas sa karumal-dumal na pag-atake sa Paris, France na kumitil sa buhay ng mahigit isang daang katao.
Sa isang statement na inilabas ng French Embassy, ‘deeply touched’ ang France sa suportang ibinibigay ni Pangulong Noynoy Aquino, national at local authorities at sambayanang Pilipino matapos ang tinaguriang ‘Friday the 13th attack” sa Paris.
Nakasaad pa sa statement na ang France ay patuloy na lalabanan ang anumang uri ng extremism at maninindigan sa ‘values of democracy and human rights,’ alinsunod sa kanilang national motto na ‘Liberte, Egalite, Fraternite.’
Dagdag ng naturang bansa, ‘Today we are all Parisians.’
Noong November 13, ilang gunmen at bombers ang naglunsad ng serye ng pag-atake sa mga restaurant, bars, isang sports stadium at concert hall sa Paris.
Inako na ng grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang terror attack, na labis na kinokondena sa buong mundo.
Nauna nang idineklara ang 3-days of national mourning sa France, habang nakatakdang magsagawa ng ‘address parliament’ si French President Francois Hollande sa Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.