Arestado ang isang retiradong sundalo makaraang mahulihan ng daan-daang bala ng baril sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Diaz, bayan ng Bautista sa Pangasinan.
Kinilala ang suspek na si Reydante Limos, 40 anyos at isang retiradong miyembro ng Philippine Army.
Nang pasukin ang bahay ni Limos nakuha sa kanyang bahay ang nasa 500 piraso ng bala para sa M16 at mga bala para sa .38 caliber revolver at 45 caliber pistol.
Nahaharap si Limos sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.