Pasok sa lahat ng korte sa buong bansa suspendido sa Dec. 26 at Jan. 2

By Dona Dominguez-Cargullo December 19, 2018 - 09:30 AM

Sinuspinde ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa buong bansa sa December 26 at January 2.

Sa abiso ng Supreme Court – Public Information Office, layon ng suspensyon na mabigyang pagkakataon ang mga empleyado ng sangay ng hudikatura na maipagdiwang ng mas mahaba ang holiday season kasama ang kanilang pamilya.

Sakop ng suspensyon ang lahat ng korte sa buong bansa.

Dahil dito, mahabang bakasyon ang naghihintay sa mga empleyado ng korte.

Ang Dec. 24 kasi na araw ng Lunes at Dec. 25 na araw ng Martes ay kapwa deklaradong holiday.

Una nang sinuspinde rin ng Malakanyang ang pasok sa gobyerno at mga public school sa January 2.

TAGS: Radyo Inquirer, Supreme Court, work suspension, Radyo Inquirer, Supreme Court, work suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.