Mar Roxas nasa likod ng tangkang pananambang kay Mayor Vicente Loot – Duterte
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na si dating Liberal Party presidential candidate Mar Roxas ang nasa likod sa dalawang beses na pang-aambush sa kanyang dating police aide at ngayo’y si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.
Sa talumpati ng pangulo sa Davao City, sinabi nito na hindi siya ang nag-utos na patayin si Loot kundi si Roxas.
Nagalit kasi aniya si Roxas nang malaman na sangkot pala sa ilegal na droga ang dating police general kung kaya ipinag-utos nito na patayin na lamang para hindi na siya mapahiya.
Hain na man diay tong mga pusher? (Nasaan na ang mga pusher) Nigawas na panahon nako kay giingnan nako ang pulis, (nagsilabasan na noong panahon ko kasi pinagsabihan ko ang mga pulis) “Abrihi ang records kay gusto kong mutanaw.” (Buksan nyo ang rrcords dahil gusto kong makita)?O tan-awa. (O, tingnan nyo) Pila ka generals ang na involve? (Ilang generals ang na involve) Hasta si Loot ug si Garbo. (Pati si loot at garbo) Si Loot kaduha daw ma-ambush di mamatay-patay. (Si loot dalawang beses nang na ambush, hindi mapatay-patay). Dili ako’y nagpa-ambush ato ha, si Roxas. (Hindi ako ang nagpa ambush ha!? Si roxas) Katong ordera (order) to kang Roxas ba to, di to ako. (Yung order galing kay rocas, hindi sa akin) Kay giingnan man siya,( kasi sinabihan siya) “Kanang imong Garbo, ang imong police — senior police aide naa na sa droga.” ( yang si garbo mo, ang senior police aide mo ay nasa droga) Mao tong galagot si Roxas. (Kaya nagalit si roxas) Sabi niya, patayin na lang ninyo para hindi tayo mapahiya,” ayon sa pangulo.
Matatandaan na noong May 13, tinambangan ang grupo ni Loot sa isang Wharf sa Daanbantayan kung saan nasugatan ang kanyang bodyguard.
Si Loot ay kasama sa limang police generals na nasa narco list ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.