Amihan lumakas pa; bagong LPA papasok sa bansa ngayong araw
Lumakas pa ang pag-iral ng Hanging Amihan at apektado na maging ang bahagi ng Visayas.
Ayon sa PAGASA, maliban sa buong Luzon, apektado na rin ng bugso ng amihan ang Eastern Visayas.
Dahil dito, ngayong araw, maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang maaring maranasan sa Cagayan Valley Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Quezon, Aurora, Bicol Region at Eastern Visayas.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas na mayroon lamang isolated thunderstorms sa dakong hapon o gabi.
Samantala, isang Low Pressure Area pa rin ang binabantayan ng PAGASA na huling namataan sa 1,000 kilometers east ng Mindanao.
Ang buntot ng naturang LPA ay maghahatid ng kalat-kalat na pag-ulan sa buong Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.