China maglalagak ng $4.4 Billion steel project sa Pilipinas
Lumagda ang Pilipinas at ang HBIS Group ng China sa isang memorandum of understanding para sa pagtatayo ng $4.4 Billion na steel industry sa bansa.
Ayon sa kay Trade Sec. Ramon Lopez, kapag naging fully operational na ang two-phased project ay kakayanin nitong mag-produce ng kabuuang 8 million tonelada ng bakal kada taon.
Base sa nilagdaan MOU, ang nasabing proyekto ay tatawaging “Philippine Iron and Steel Project” na siyang pinaka-malaking industrial investment ng China sa bansa.
Ang unang bahagi ng proyekto ay itatayo sa Misamis Oriental na kapapalooban ng $3 Billion investment.
Kapag nagbukas ang nasabing steel manufacturing plant ay kakayanin nitong mag-produce ng 4.5 million tonelada ng hot-rolled coil at 600,000 tons ng steel slabs.
Inaasahan rin na magbibigay ito ng trabaho sa higit sa 20,000 oras na maging fully-operational ayon pa sa kalihim.
Ipinaliwanag pa ni Lopez na inaasahang maitatayo ang buong proyekto sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
Malaking tulong ang “Philippine Iron and Steel Project” sa Build Build Build program ng pamahalaan ayon pa sa DTI secretary.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.