Maaliwalas ang panahon sa APEC summit
Magiging maganda ang panahon sa isang linggong Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Leaders’ Meeting sa Maynila.
Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAGASA weather forecaster Aldzar Aurelio, sinabi nito na wala silang namonitor na sama ng panahon sa APEC week.
Gayunman, posible pa rin aniya na may pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na maranasan sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit lalawigan.
Dagdag ni Aurelio, maaaring lumamig ang temperature sa Huwebes at Biyernes.
Nitong mga nakalipas na araw, naitala ang mainit na panahon, na ayon kay Aurelio, ay dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.