Paghahanda ng MMDA sa APEC mas matindi kaysa noong Pope visit
“21-times” ang preparasyon ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA para sa inaasang pagdalo ng 21-economic leaders sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC leaders meeting.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlos na mas matindi ang paghahanda at trabaho ng MMDA ngayong APEC 2015, kumpara sa Apostolic Visit ni Pope Francis noong nakalipas na January 2015.
Paliwanag ni Carlos, noong Papal Visit ay si Pope Francis lamang ang tinutukan ng husto ng secutiry forces.
Pero ngayong APEC 2015, hindi aniya biro ang gagawin ng MMDA dahil dalawampu’t isang economic leaders ang kailangan nilang tutukan at matiyak ang seguridad, pagdating at pag-alis ng mga ito.
Sa kabila nito, siniguro ni Carlos na plantsado na ang mga plano ng MMDA at nagsimula na ring ipakalat ang kanilang nasa 2,500 na personnel.
Ani Carlos, mula kahapon ay bente-kwatro oras ang trabaho ng MMDA hanggang Biyernes, o pagtatapos ng APEC week.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.