Samar Representative Milagros Tan sinuspinde ng Sandiganbayan
Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang 90-day suspension laban kay Samar Representative Milagrosa Tan dahil sa kasong graft at malversation of public funds bunsod sa maanomalyang pagbili ng mga gamot noong siya ay gobernador pa.
Sa resolusyon ng First Division ng Anti-Graft Court na may petsang November 22, inatasan nila si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na kaagad ipatupad ang suspensyon.
Bukod kay Tan, pinasususpinde din ng 90-araw si provincial treasurer Bienvenido Sabanecio Jr., Officer in Charge ng provincial general service office Ariel Yboa, at supply officer Georgina Abarina .
Base sa record, noong 2007, sinamantala ni Tan ang kanyang posisyon bilang provincial governor at binili niya ang iba’t ibang uri ng gamot at dental supplies sa Bermed Medi Pharma na pag-aari ni Roselyn Larce sa pagitan ng March 28 at August 21, 2007.
Ang Zybermed, ay nakabase sa Pasig City at walang lisensya para mag-operate sa Catbalogan City.
Sa ilalim ng batas kailangan suspindehin ang isang opisyal may kinakaharap na kasong katuwalian upang hindi ito makaimpluwensys sa kaso.
Nauna nang naghain ng not guilty plea si Tan sa kasong ibinibintang sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.