Bata nailigtas mula sa hostage taker sa Sta. Mesa Maynila

By Ricky Brozas December 17, 2018 - 11:35 AM

Credit: @sethyborkk_

Magtagumpay na nailigtas ng operatiba ng Manila Police District ang batang hinostage ng isang lalaki sa bahagi ng PNR Sta. Mesa Station sa Maynila.

Ayon kay MPD Director, Chief Supt. Vicente Danao Jr. matapos ang negosasyon ay nakumbinse nila ang suspek na pakawalan ang biktima.

Nangyari ang hostage taking pasado alas 9:45 umaga ng Lunes.

Kinilala ang suspek na si Dominador Abrillo, 38 anyos na tubong Tacloban, Leyte,

Kaagad na kinordon ng mga element ng Station 8 ng MPD ang lugar at rumespinde rin ang mag tauhan ng Special Weapons and Tactics o SWAT.

Pasado alas onse ng tanghali nang magtapos ang insidente.

Ayon kay Abrillo, personal na problema ang nag-udyok sa kaniya para mang-hostage.

Samantala, ayon kay Sup.t Ruben Ramos, ground commander sa nasabing insidente, may naitala silang anim na nasugatan sa hostage-taking.

Ito ay matapos magpaputok ng baril ang suspek.

Hindi pa naman binanggit ni Ramos kung sino-sino ang mga nasugatan.

TAGS: hostage taking, Radyo Inquirer, hostage taking, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.