Paghikayat ng turista sa bayan ng Balangiga, ipinaubaya ng Malakanyang sa lokal na pamahalaan
Ipinauubaya na ng Malakanyang sa probinsya ng Samar kung paano ima-market ang bayan ng Balangiga.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista at mananampalataya sa Balangiga, Eastern Samar dahil sa pagdating ng makasaysayang Balangiga bells.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, tiyak na batid na ng lokal na pamahalaan kung anong mga nararapat na hakbang ang dapat na gawin.
“Now it will now depend on the provincial government at ng local government kung papaano nila ima-market ang kanilang sarili. I’m pretty sure na alam na nila kung anong gagawin nila kasi it will really attract tourists,” Ayon kay Andanar.
Aminado si Andanar na sa ngayon wala pang mga hotel sa Balangiga pero mayroon naman aniyang mga homestay kung saan maaring tumuloy ang mga bisita.
May mga programa na rin aniya ang Department of Tourism na aayuda sa lokal na pamahalaan para paghandaan ang pgdagsa ng mga turista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.