Pumutok ang Mount Soputan sa bahagi ng Minahasa sa North Sulawesi, Indonesia Linggo ng umaga.
Ayon sa Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation (PVMBG), may taas na 7,500 metro ang ibinugang abo at makapal na usok ng Mount Soputan.
Batay sa isinagawang monitoring, umabot ang abo sa south at southwest matapos ang pagpumutok dakong 8:57 ng umaga.
Sinundan pa ito ng ilang pagyanig na tumagal ng 30 minuto.
Dahil dito, inabisuhan ang mga residente na manatili sa labas ng 4-kilometer radius mula sa tuktok ng bulkan.
Pinaiiwas din ang mga residente na gumawa ng anumang aktibidad sa loob ng 6.5-kilometer raduis sa west at southwest ng crater dahil sa lava at mainit na abo.
Binalaan na rin ang mga nakatira malapit sa Ranowangko, Lawian, Popang at Kelewahu rivers dahil sa posibleng lava flows kasunod ng pag-ulan.
Noong Oktubre, matatandaang dalawang bese pumutok ang Soputan dahilan para itaas sa Alert Level III ng mga otoridad ang naturang bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.