Isang konsehal, patay sa pamamaril sa Pangasinan

By Angellic Jordan December 16, 2018 - 01:39 PM

Inquirer file photo

(Updated) Patay sa pamamaril ang isang konsehal sa Sto. Tomas, Pangasinan Linggo ng umaga.

Dadalo sana ng misa si Councilor Benjamin “Junjun” Oculto nang biglang pagbabarilin ng mga armadong lalaki mula sa isang van sa labas ng simbahan bandang 10:30 ng umaga.

Ayon kay Police Regional Office 1 regional director CSupt. Romulo Sapitula, agad nakaresponde ang pulisya at nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga armadong lalaki.

Dahil dito, naaresto ang isa sa mga suspek habang ang tatlo ay nakatakas.

Ayon sa pulisya, pulitika ang isa sa mga posibleng motibo sa pamamaslang.

Si Oculto ay naghain ng kaniyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-bise alkalde sa naturang lugar sa 2019 elections.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: 2019 elections, Benjamin "Junjun" Oculto, 2019 elections, Benjamin "Junjun" Oculto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.