Isang staff ni Pang. Duterte, pinaalis nga ba ang mga pari at obispo sa Balangiga Plaza?

By Isa Avendaño-Umali December 16, 2018 - 02:23 AM

 

Isang staff ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inaakusahang nag-utos daw sa mga pari at obispo na umalis sa Balangiga Town Plaza, bago dumating ang presidente para sa turn-over ceremonies ng Balangiga bells.

Sa Facebook page ng Diocese of Borongan, binanggit na ang mga pari, kabilang ang Borongan bishop, Archbishop of the Military Ordinariate ng U.S. at ang Apostolic Nuncio, ay sinabihan daw na lumabas ng Balangiga Plaza.

Nakasaad pa sa post na ang gusto lamang daw ni Pangulong Duterte sa lugar ay si Archbishop Romulo Valles.

Mayroon din daw ilang pari na sinabihang tanggalin ang kanilang Roman collars upang hindi raw ma-offend ang presidente.

Batay naman sa text message sa INQUIRER.net ni Fr. Edmel Raagas, isa sa mga paring present sa event, ang utos ay mula raw sa isang Presidential Management Staff.

Pinalipat pa raw ng staff na iyon ang mga obispo at pari sa likurang bahagi, dahil may isyu raw ang presidente sa kanila.

Ayon kay Father Raagas, may mga silya raw na inilagay sa harapan nila upang takpan sila mula sa “view” ni Pangulong Duterte.

Sa kabila nito, nagpapasalamat pa rin si Father Raagas dahil naibalik ang mga kampana sa Balangiga.

 

 

TAGS: balangiga bells, balangiga bells

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.