Vatican nakiisa sa pagbatikos sa terror attack sa France
Sumama na rin ang Vatican sa mga bumabatikos sa naganap na terror attack sa Paris France na ikinamatay ng halos ay 160 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Sinabi ni Vatican Spokesman Rev. Federico Lombardi na mariing kinokendena ng Vatican City ang naganap na pamamaslang.
Kasabay nito, sinabi ni Lombardi na hinihikayat din ni Pope Francis ang publiko na isama sa kanilang panalangin ang mga namatay at mabilis na paggaling naman sa iba pang mga sugatan dulot ng nasabing trahedya.
Nagpahatid din ng pagkondena ang ilang mga pinuno mula sa Middle East kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa Paris.
Sinabi ni United Arab Emirates Sheik Khalifa bin Zayed Al Nahyan na nagpadala na siya ng liham kay French President Francois Hollande kasabay ng pagpapahatid ng pakikiramay sa mga biktima ng pag-atake.
Pati si Kuwait Emir Sheik Sabah Al Ahmad Al Sabah ay naghayag rin ng mariing pagkondena sa pamamaslang kasabay ang alok na tulong sa pamahalaan ni French President Hollande.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.