Venue ng NPA anniversary sinalakay ng AFP sa Bukidnon

By Den Macaranas December 15, 2018 - 03:19 PM

Inquirer file photo

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Army ang dalawang kuta ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) malapit sa hangganan ng Bukidnon at Misamis Oriental.

Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, pinasok ng mga sundalo mula sa 403rd Infantry Batallion ang nasabing mga kuta kung saan ay naka-barilan nila ang higit sa 100 mga kasapi ng NPA.

Makaraan ang halos ay maghapon na bakbakan ay iniwan ng mga komunista ang kanilang kampo at naiwan doon ang ilan sa kanilang mga kagamitan.

Sa pagmamadaling tumakas ay naiwan rin ng mga rebelde ang ilang piraso ng improvised explosive device, mga baril, gamot, generator set at listahan ng mga negosyanteng kanilang kinikikilan.

Patuloy naman ang pagtugis ng mga tauhan ng militar at pulisya sa mga tumakas na armadong grupo.

Nauna dito ay sinabi sa report ng Armed Forces of the Philippines na sa nasabing mga kampo idaraos ang ika-50 anibersaryo ng CPP-NPA sa susunod na linggo.

TAGS: 403rd Infantry Brigade, AFP, bukidnon, CPP, misamis, NPA, 403rd Infantry Brigade, AFP, bukidnon, CPP, misamis, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.