200 pasyente minolestiya ng isang faith healer sa Brazil

By Den Macaranas December 15, 2018 - 09:51 AM

AP

Ipina-aaresto na sa Brazil ang isang faith healer na nasa likod ng pangmo-molestiya sa higit sa 200 niyang mga kababaihang pasyente.

Ito rin ang itinuturing na worst serial sex crime sa kasaysayan ng Brazil.

Kinilala ang suspek na si João Teixeira de Faria, alyas  “John of God”.

Siya ay sumikat sa iba’t ibang panig ng mundo makaraan siyang itampok sa TV program ni Oprah Winfrey noong 2013.

Noong dekada 70 nagsimula ng kanyang panggagamot si “John of God” dahil daw sa gabay ng banal na espiritu.

Pero nag-iba ang tingin sa kanya ng publiko nang lumutang ang ilang mga nagrereklamong kababaihan na umano ay kanyang pinagsamantalahan habang ginagamot.

Sinabi ng hukuman sa Goias State sa central Brazil na halos araw-araw ang pagdagsa ng mga nagrereklamo laban sa sikat na faith healer.

Kabilang rin sa mga nagrereklamo ay ilang mga pasyente na mula pa sa US, Bolivia, Argentina, Belgium at Germany.

Hindi rin ng hukuman na marami ring mga celebrities sa Brazil ang nagsampa ng kasong pangmo-molestiya sa nasabing suspek.

TAGS: Brazil, João Teixeira de Faria, john of god, sexual charges, Brazil, João Teixeira de Faria, john of god, sexual charges

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.