6 patay sa pagguho ng bahay sa Quezon City

By Jong Manlapaz December 15, 2018 - 02:57 AM

Binulabog ng malakas na tunog kasunod ang mga hiyawan ang Sitio Bathala, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Ito ay matapos gumuho ang ginagawang konkretong extension ng isang bahay sa gilid ng Culiat River.

Ayon kay Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office Chief Mike Marasigan, umabot sa pitong katao ang natabunan ng gumuhong bahay na nadala sa ospital, anim dito ang kumpirmado nang namatay matapos maipit at malunod sa ilog.

Sa inisyal na imbestigasyon ng QC Bureau of Fire Protection, bumigay ang pundasyon ng bahay.

Tinitingnan din nila ang posibleng paglambot ng lupa sa ilog kung saan nakatungtong ang poste ng bahay dahil na rin sa pag ulan.

Ang mga nasawi ay nag-iinom lamang nang gumuho ang bahay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.