Mas marahas na mga protesta inaasahan sa France

By Rhommel Balasbas December 15, 2018 - 01:35 AM

Nanawagan si French Emmanuel Macron sa mga mamamayan ng mas mapayapang protesta ngayong weekend.

Sa ikalimang sunod na linggo ay nagpapatuloy ang mga pagkilos ng mga mamamayan ng France dahil sa mataas na presyo ng petrolyo at buwis.

Dahil sa inaasahang mas lalala ang mga protesta ay sinabi ni Police Chief Michel Delpuech na 8,000 pulis at 14 na armored vehicles na naman ang ipakakalat sa mga lansangan ng Paris.

Sa kanyang talumpati sa isang European Summit sinabi ni Macron na hindi tanggap sa demokrasya ang anumang uri ng karahasan.

Iginiit ng presidente na kanyang naririnig ang hinaing ng mga nagpoprotesta at ginagawan niya na anya ng aksyon ang isyu sa buwis.

Hindi rin umano kakagatin ni Macron ang mga panawagan na siya ay magbitiw sa pwesto.

Apat na na ang nasasawi sa malawakang protesta sa France kung saan ang huli ay namatay dahil sa mga tinamong sugat sa pag-atake sa isang Christmas market sa Strasbourg.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.