Sen. Ping Lacson kontra sa panawagang sibakin si Sec. Diokno
Sinabi ni Senator Ping Lacson na hindi makatuwiran naman at malupit ang panawagan ng ilang miyembro ng Kamara na magbitiw na sa puwesto si Budget Secretary Benjamin Diokno.
Ayon kay Lacson mistulang haka-haka lang ang mga alegasyon at wala pang matibay na ebidensiya.
Ngunit para sa senador, pabor siya na maimbestigahan sa Kongreso, sa Kamara man o sa Senado ang mga alegasyon.
Sinabi nito maaring nagsisimula pa lang sumingaw ang baho ng ‘unwarranted realignments’ sa General Appropriations Act, maging sa paghahanda sa National Expenditure Program.
Dagdag pa nito, kapag naimbestigahan ang mga alegasyon maaring makadiskubre pa ng ibang anomalya sa proposed P3.75 billion 2019 national budget.
Unang ibinunyag ni Lacson na nagkaroon ng tig-P60 milyon alokasyon ang halos 300 kongresista sa isinusulong na pambansang budget at may mga nakatanggap pa ng hiwalay na bilyon-bilyong pisong alokasyon para sa mga programa at proyekto sa kani-kanilang distrito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.