DOLE nagbabala sa nagpapakalat ng fake news hinggil sa cash gift para sa kanilang mga empleyado

By Jan Escosio December 14, 2018 - 03:48 PM

May babala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagkalat ng fake news sa social media at cellphone ukol sa cash gift para sa mga kawani ng kagawaran.

Sinabi ni Bello walang katotohanan ang mensahe at aniya illegal ang paggamit ng logo ng DOLE maging ang larawan ng kanilang mga opisyal para magmukhang opisyal ang impormasyon.

Bagamat mga kawani lang ng DOLE ang target ng maling impormasyon minabuti na rin ni Bello na balaan ang publiko sa posibilidad na matanggap nila ang maling impormasyon.

Hinihikayat pa niya na agad isumbong sa kanilang pinakamalapit ng opisina ng sinoman na makakatanggap ng naturang mensahe.

Dagdag ng kalihim, naiulat na nila sa mga awtoridad ang isyu at ginagawa na nila ang lahat para matunton ang mga responsable.

TAGS: Department of Labor and Employment, Radyo Inquirer, Department of Labor and Employment, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.