Handa si Agriculture Sec. Manny Piñol na payagan ang pag-angkat ng 100,000 metriko tonelada ng asukal para sa paggawa ng mga matatamis na pagkain sa bansa.
Aniya ang aangkating asukal ay para sa Philippine Food Processors and Exporters Organization Inc. (PhilFoodex) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).
Sinabi ni Piñol aalamin muna niya ang produksyon ng lokal na asukal sabay dagdag na normal naman na mag-angkat ng asukal kung may kakulangan sa produksyon sa bansa.
Una nang sinabi ni Roberto Amores, pangulo ng PhilFoodex, wala pa silang natatanggap na sagot mula sa Sugar Regulatory Authority (SRA) sa sulat na ipinadala nila dalawang buwan na ang nakakalipas.
Aniya magkukulang ng isang milyong tonelada ng bigas sa susunod na taon kapag hindi nakapag-angkat ng asukal kaya’t tataas ang lahat ng pagkain na may asukal.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ang produksyon ng tubo ng 26.2% sa second quarter ng 2018 6.44 milyong metriko tonelada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.