Inihaing leave of absence ni Faeldon, pinag-aaralan ng DOJ
Nakarating na sa Department of Justice (DOJ) ang pahayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Nicanor Faeldon na magbibitiw ito sa pwesto kapag napatunayang sangkot sa ilegal na droga ang kaniyang anak.
Sinabi ni DOJ Spokesperson at Undersecretary Markk Perete, nag-alok na din si Faeldon na mag-leave sya habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaniyang anak na si Nicanor Jr.
Sa ngayon sinabi ni Perete, pinag-aaralan na ng DOJ ang inihaing leave of absence ni Faeldon.
Kailangan laniyang aniyang ikunsidera ng DOJ ang ilang usapin.
Bago lang kasi sa pwesto si Faeldon at kakatalaga lang sa kaniya sa BuCor.
Pero ani Perete, mahalaga ding kilalanin ang pagkakaroon ng independence at integridad ng imbestigasyon kay Nicanor Jr. at dapat matiyak na hindi maaapektuhan ng pagiging BuCor chief ni Faeldon ang takbo ng imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.