BTS wagi ng Worldwide Icon of the Year award sa MAMA 2018
Muling nagtala ng rekord ang Korean group na BTS.
Ito ay makaraang matanggap nila ang kauna-unahang Worldwide Icon of the Year Award mula sa Mnet Asian Music Awards (MAMA) ngayong taon.
Tinanggap ng grupo ang pagkilala sa ikalawang awarding event ng MAMA na ginanap sa Japan.
Maliban sa Worldwide Icon of the Year award, ang BTS din ang nakakuha ng Worldwide Fans’ Choice Top 10 award, Favorite Music Video awad para sa kanilang kantang “IDOL” at Favorite Male Dance Artist Award.
Tinalo ng BTS ang siyam na iba pang nominado na kinabibilangan ng BLACKPINK, GOT7, MONSTA X, MAMAMOO, NCT 127, NU’EST W, SEVENTEEN, TWICE at Wanna One.
Ang MAMA ay major South Korean music awards ceremony ng isang entertainment company.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.