Security forces sa Paris, on alert bago pa ang atake
Paris, France- Kapansin-pansin kahapon na may mga sundalong nakaposte sa mga kilalang tourist destinations sa Paris.
Sa Eiffel Tower, bukod sa mga pulis ay may mga sundalo na in full battle gear na pa lakad-lakad sa naturang tourist destination.
Ang Paris ay dati ng nakaranas ng terror attack at nananatili ang intelligence reports na maaaring ito ay masundan.
Naganap na nga ito, pasadong alas onse ng gabi, araw ng Biyernes, ika-13 ng Nobyembre.
Tatlong mga Filipino na nasa bakasyon ngayon sa Paris ang papunta sana sa naturang concert and night spot sa Paris nguni hindi na nagtuloy matapos ang insidente.
“Hindi kami nagising sa alarm, dapat ay alas diyes ng gabi kami aalis para ma experience ang night life ng Paris,” ayon kay Joy Alcantara.
“Kung di kami nag-low battery, didiretso na sana kami, pero bumalik muna sa transient house para mag-charge tapos nakatulog kami,” kuwento ni Marvin Reyes sa Radyo Inquirer.
Ayon naman kay Randy Evangelista, unang gabi pa lamang ay gusto na nilang maranasan ang night life ng Paris.
“Pero sa second night, may host kami, May Filipino na magsasama sa amin sa mga night spots, kaya kanjna sana kami pupunta. Ready na kami, ” ani Evangelista.
Naka-antabay ang mga tulad nina Alcantara, Reyes at Evangelista ngayon sa kung hanggang kailan iiral ang pagsasara ng border ng France.
Nasa 158 na ang bilang ng patay sa Paris terror attack at inaasahan pang tataas ang bilang nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.