Magmimisa si Pope Francis sa Abu Dhabi sa kaniyang pagbisita doon sa susunod na taon.
Ayon sa pahayag ng Vatican ang misa ay gagawin sa Zayed Sports City na bahagi ng pagbiyahe ng Santo Papa mula February 3 hanggang 5, 2019.
Ito ang magiging kauna-unahan sa kasaysayan na ang isang Santo papa ay magdaraos ng misa sa Arabian Peninsula.
Ito rin ang unang pagkakataon na magsasagawa ng misa sa isang outdoor venue sa United Arab Emirates.
Sa kaniyang pagpunta sa Abu Dhabi, inaasahang bibisitahin din ni Pope Francis ang isa sa pinakamalaking mosque doon.
Tinatayang aabot sa halos isang milyon ang Katoliko sa UAE karamihan sa kanila ay mga dayuhang manggagawa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.