Alaska at Magnolia tie sa finals ng 2018 PBA Governors’ Cup

By Justinne Punsalang December 13, 2018 - 12:02 AM

Kapwa mayroon nang tig-dalawang panalo ang Alaska Aces at Magnolia Hotshots.

Ito’y matapos talunin ng Aces ang Hotshots sa kanilang tapatan kagabi para sa Game 4 ng 2018 PBA Governors’ Cup Finals na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Natapos ang Game 4 sa iskor na 90-76, pabor sa Alaska.

Masaya ang head coach ng Alaska na si Alex Compton sa magandang depensa ng koponan, dahilan para mahirapan ang Magnolia upang maka-iskor.

Bagaman nanalo sa laro, galit na humarap sa media si Compton. Ito ay matapos masuntok ng kalaban ang dalawa umano sa kanyang mga manlalari na sina Mike Harris at Chris Banchero.

Aniya, bagaman naging madumi ang paglalaro ng Magnolia ay saludo naman siya sa pagiging propesyunal ng kanyang mga manlalaro at hindi pagganti.

Samantala, sinabi naman ni Mark Barroca ng Hotshots na ang insidente ng panuntok ay hindi intensyunal at bahagi lamang ng laro na isang pisikal na sport.

Nakausap na ni PBA commissioner Willie Marcial ang dalawang mga manlalaro tungkol sa insidente at pinatawan sila ng warning.

Muling mag-uusap ang tatlo ngayong araw ng Huwebes bago maglabas si Marcial ng desisyon tungkol sa insidente.

Magaganap ang Game 5 ng torneo sa Biyernes ng gabi. Dito na malalaman kung sino ang itatanghal bilang 2018 PBA Governors’ Cup champions.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.