Bayan ng Balangiga hindi pa handa sa dagsa ng mga turista

By Rhommel Balasbas December 13, 2018 - 04:35 AM

Radyo Inquirer Photo | JAP DAYAO

Hindi pa handa ang Bayan ng Balangiga sa inaasahang dagsa ng mga turista sa kanilang lugar dahil sa pagbabalik ng makasaysayang Balangiga Bells.

Aminado si Balangiga Mayor Randy Graza na sa ngayon ay hindi pa sila masyadong handa dahil hindi nila inaasahan na ngayong taon darating ang mga kampana.

Ayon sa tourism officer ng Balangiga, nasa 3,000 turista kada taon ang pumupunta sa kanilang bayan at inaasahang magtritriple ito sa pagbabalik ng mga kampana.
Gayunman, ayon kay Mayor Graza, wala pang malalaking hotel sa kanilang bayan at mayroon lamang itong tatlong inn.

Dahil dito ay pinakiusapan anya ng mga komite na may kinalaman sa pagbabalik ng Balangiga Bells ang mga mamamayan na magpatuloy ng mga bisita sa kani-kanilang mga bahay.

Sa December 15 ibabalik na sa Balangiga ang mga kampana na personal na ihahatid ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang ceremonial turnover.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.