1 patay, 2 sugatan sa operasyon ng mga pulis sa Makati City

By Justinne Punsalang December 13, 2018 - 12:33 AM

Contributed photo

Dead on the spot ang isang drug suspek, habang sugatan naman ang dalawa niyang kasamahan matapos mauwi sa palitan ng putok ang paghahain lamang sana ng search warrant sa Barangay Pio del Pilar, Makati City.

Kinilala ang nasawing tulak ng ipinagbabawal na gamot na si Rolando Abundo, Jr. Ang mga nasugatan ay nakilala namang sina Zea Xyrille Ramos at Susan Ramos.

Bukod sa tatlo, naaresto ang iba pa nilang mga kasabwat na sina Rixon Pantoja, Zyvastian Ramos, Danilo Dy, Roy Protacio, Leonell Lumberio at Mark Greg Lajoy.

Ayon sa mga otoridad, magsisilbi lamang sana ng search warrant ang pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) laban sa pangunahing target ng operasyon na si Abundo.

Ngunit sa kalagitnaan ng operasyon ay naunang nagpaputok sa mga pulis si Abundo, dahilan upang mauwi ito sa engkwentro.

Narekober mula sa bahay ng suspek ang 500 gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon.

Nakuha rin ang ilang mga drug paraphernalia, mga baril, granada, at pera na posibleng galing sa pagtutulak ng mga suspek ng droga.

Napag-alaman na bukod sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot ay sangkot din sa gun-for-hire ang mga suspek.

Nabatid na mayroong nakasampang kasong murder laban sa napatay na si Abundo.

Bukod sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, posible ring makasuhan ng illegal possession of firearms and ammunition ang mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.