Dahil na-late sa game, Orlando Magic pinatawan ng suspensyon ang kanilang sentro na si Mohamed Bamba

By Dona Dominguez-Cargullo December 12, 2018 - 08:49 AM

Sa NBA, pinatawan ng suspensyon ng Orlando Magic ang kanilang rookie center na si Mohamed Bamba.

Ito ay makaraang ma-late si Mamba sa laban ng Magic kontra Dallas Mavericks kung saan nanalo ang Magic sa score na 101-76.

Ayon kay Orlando Coach Steve Clifford, paglabag sa team rules ang pagiging late ni Mamba.

Isang game na suspensyon lang naman ang ipinataw kay Mamba at mapapayagan na muli itong maglaro sa Huwebes.

Aminado naman si Mamba sa pagkakamali at tiniyak na hindi na ito mauulit.

TAGS: Mohamed Mamba, NBA, Radyo Inquirer, Mohamed Mamba, NBA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.