60 patay sa terror attack sa Paris, borders ng France, sarado na

By Arlyn Dela Cruz November 14, 2015 - 07:47 AM

Paris
CNN screengrab photo

Paris, France-Higit isang oras lamang ang nakakalipas nang bulabugin ng terror attack ang Paris dito sa France. Ramdam na ramdam ngayon ang alerto ng mga otoridad sa kabuuan ng Paris.

Sa katunayan ay iniutos na ni French President Francois Hollande ang pagsasara ng borders ng buong bansa. Ibig sabihin nito, walang palalabasin o papasukin ng France.

Ngayon lamang sa kasaysayan ng France isinara ang border ng France.

Grupo ng ISIS ang pinaghihinalaan na nasa likod ng terror attack. Naganap ang atake sa isang concert hall na kung saan may concert rock band na Eagles of Dream Metal.

Sa naturang concert hall nakuha ang pinakamaraming bilang ng patay.

Kasalukuyang nagaganap ngayon ang mid-night cabinet meeting at pinakamataas na antas ng alerto ang ipinatutupad ngayon sa France.

Pinapayuhan ang mga residente at maging ang mga turista sa loob ng Paris na manatili sa kanilang tahanan at mga tinutuluyan.

 

TAGS: Attack, France, Paris, Attack, France, Paris

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.