Maria Ressa kabilang sa mga itinanghal na Time ‘Person of the Year’

By Rhommel Balasbas December 12, 2018 - 03:41 AM

Kabilang si Maria Ressa sa apat na mamamayahag at isang pahayagan na itinanghal ng Time bilang 2018 Person of the Year.

Ang mga personalidad ay tinawag na ‘The Guardians’ at pinili dahil sa kanilang naging katatagan sa pagsiwalat ng katotohanan sa kabila ng pang-uusig at karahasan.

Bukod kay Ressa, kabilang sa Person of the Year ang napatay na si Saudi Journalist Jamal Khashoggi, Reuters journalists Wa Lone at Kyaw Soe Oo na ikinulong sa Myanmar, at ang Capital Gazette sa Annapolis, Maryland kung saan lima katao ang pinagbabaril at pinatay sa opisina mismo ng pahayagan noong Hunyo.

Sa kanyang sanaysay, sinabi ni editor-in-chief Edward Felsenthal na sina Ressa at iba pa ay kinatawan ng mga mamamahayag na nagbubuwis ng buhay para lamang isiwalat ang balita.

Ani Felsenthal, umabot na sa 52 mga mamamahayag ang pinatay ngayong taon.

Sinabi naman ni TIME creative director D.W. Pine na ang inililathalang apat na covers ngayong taon ay nagpapakita ng magkakaibang boses mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Si Ressa ay ang presidente ng online news website na Rappler at kapwa nahaharap ngayon sa tax evasion cases.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.