Sen. Binay malungkot sa lagay ng ‘intel’ sa bansa dahil sa fake ‘ouster’ plot list

By Rhommel Balasbas December 12, 2018 - 03:41 AM

Naniniwala si Senador Nancy Binay na hindi maganda ang lagay ng ‘intel’ sa bansa.

Ito ay matapos ilabas ni dating Vice Mayor Paolo Duterte ang isang hindi beripikadong listahan ng umano’y mga personalidad na may planong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi na ng Defense Sec. Delfin Lorenzana na fake news ang listahan kung saan kasama ang ilang mga Catholic Bishops at maging fast food chains.

Ayon kay Binay, sumasalamin ang listahan ni Paolo Duterte sa hindi magandang lagay ng intel sa bansa.

Giit nito, kailangang tulungan ang mga intelligence agencies para mapaganda ang kanilang trabaho.

Gayunman, kung malaki anya ang pondo ng mga ito at halata ang kawalan ng kakayahan ay dapat ilipat na lamang ang kanilang mga budget sa mga bagay na mas mapapakinabangan ng taong bayan.

Nagbiro pa ang senadora na kung kasama na si Jollibee, Mcdonald’s at mutants sa destab plot, ay talagang nasa kapahamakan na ang bansa.

Binura na ni Paolo Duterte ang listahan sa kanyang Facebook page.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.