Mga hindi rehistradong lambanog, pinakukumpiska na ng FDA

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2018 - 12:59 PM

Ipinag-utos ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagkumpiska sa mga lambanog na hindi rehistrado sa ahensya.

Ito ay matapos ang magkakasunod na pagkasawi ng mga umiinom ng lambanog.

Sinabi ng FDA na minomonitor nila ngayon ang mga hindi rehistradong lambanog na nasa merkado.

Ayon sa FDA, anumang produkto na hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ay delikado sa kalusugan.

Inalerto na ng FDA ang kanilang Regional Field Officers (RFO) at mga ahente ng Regulatory Enforcement Unit (REU) para matiyak na hindi na maibebenta sa publiko ang mga hindi rehistradong lambanog.

Sa isinagawang pagsusuri ng FDA sa lambanog sample mula sa Sta. City at Calamba City, gayundin sa Antipolo at Tarlac, ay nakitang mataas ang antas ng methanol ng alak.

TAGS: FDA, lambanog, FDA, lambanog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.