Mag-ama sugatan sa pamamaril sa Maguindanao

By Dona Dominguez-Cargullo December 11, 2018 - 10:34 AM

Sugatan sa pamamaril ang isang ama at 5 taon gulang niyang anak na lalaki sa pamamaril na naganap sa Pagalungan, Maguindanao.

Ayon kay Chief Supt. Graciano Mijares, provincial director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police, isang hindi pa nakikilalang suspek ang pumasok sa bahay ni Sadak Solaiman, 38 anyos sa Barangay Poblacion at saka ito binaril ng malapitan.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tiyan si Solaiman habang tinamaan din ng ligaw na bala ang anak niton na nasa loob lang ng bahay nang mangyari ang pamamaril.

Matapos ang insidente agad tumakas ang suspek.

Patuloy na ginagamot ngayon sa ospital ang mag-ama, habang naglatag na ng checkpoints sa bayan para maaresto ang suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

Sa inisyal na imbestigasyon, personal na galit ang maaring dahilan ng pamamaril.

TAGS: pagalungan maguindanao, Shooting Incident, pagalungan maguindanao, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.