Security briefing isasagawa sa Kamara kaugnay sa hirit na palawigin ang martial law sa Mindanao

By Erwin Aguilon December 11, 2018 - 08:43 AM

Bilang paghahanda sa joint session ng Kongreso para sa kahilingan ni Pangulong Duterte na martial law extension at suspensyon ng privilege of the writ of habeas corpus magbibigay ng security briefing ngayong araw ang mga pangunahing opisyal ng ehekutibo sa mga kongresista.

Itinakda ang security briefing alas 11:00 ng umaga habang ang joint session naman ay magaganap bukas araw ng Miyerkules alas 9:00 ng umaga.

Nakasaad sa liham ng Malakanyang ang patuloy na terror threat sa bansa kaya sa pamamagitan ni Executive Sec. Salvador Medialdea ay sumulat sila kay Senate Presdient Vicente “Tito”Sotto III at Speaker Gloria Arroyo para palawigin pa sa ikatlong pagkakataon ang martial law at suspension of the privilege of the wrut of habeas corpus sa Mindanao mula December 31, 2018 hanggang December 31, 2019.

Nauna na ring sinabi ni House Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na formality na lang ang hinihinitay para sa pag-apruba ng martial law extension dahil na rin sa suporta ng majority bloc ni Arroyo.

Siniguro na rin ni Arroyo kay Duterte na pagbibigyan ng Kamara ang request nitong pagpapalawig sa batas militar.

TAGS: House of Representatives, Martial Law, House of Representatives, Martial Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.