General Galvez nagpaalam na sa AFP

By Justinne Punsalang December 11, 2018 - 12:21 AM

AFP PAO

Nagpaalam na sa lahat ng military at civilian personnel si retiring Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Carlito Galvez, Jr. kahapon.

Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Galvez na masaya at kuntento siyang magreretiro dahil alam niyang nagampanan niya ang kanyang trabaho bilang pinuno ng AFP.

Aniya, tiyak din siyang iiwanan niya ang hanay ng mga militar sa mabuting kamay ni Lieutenant General Benjamin Madrigal, Jr.

Nagpasalamat din si Galvez sa lahat ng kanyang nakatrabaho sa AFP.

Partikular na pinasalamatan ni Galvez sina Vice Chief of Staff Lieutenant General Salvador Mison at Deputy Chief of Staff Vice Admiral Gaudencio Collado Jr.

Kasabay nito, ay iginawad ng opisyal ang commendation medal kina Major General Fernando Trinidad na deputy chief of staff for intelligence; Major General Isidro Purisino, na deputy chief of staff for operations; Brigadier General Ser-Me Ayuyao ang Judge Advocate General; at Mrs. Editha Lorenzana para sa kanyang kontribusyon at suporta sa mga militar sa kasagsagan ng Marawi siege.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.